Monday, April 30

Sarah doesn't hurry love

When it comes to the affairs of the heart, Sarah Geronimo would rather
take the long yet smooth — but not winding — road to love. She likes
to have the search treated slowly but surely. It's the same
tried-and-tested formula that has worked wonders in her career.

"We should not hurry love," Sarah offers. Besides, she knows all about
some men's scheming ways. That's why she is careful about whom she
will give her heart to for the first time.

Believe it or not, Sarah has even considered entering the nunnery.

The Teen Princess, however, sheds her Maria Clara image on Love Spell
Presents Sweet Sixty which airs every Sunday after Your Song on ABS-CBN.

"My mom was surprised how I was able to play my character," relates Sarah. "Rose is a bit edgy and kikay."

In the TV series, Sarah is the young Gina Pareño. Doña Rosing (Pareño) cries out of frustration upon seeing how liberated her granddaughter Anna (Roxanne Guinoo) is.

Enter Bong (Oyo Sotto), a handsome young man who offers Doña Rosing a rose to appease her. Something magical happens when Doña Rosing accidentally drops a tear on the rose. The 60-year-old momma turns into a lovely 16-year-old. Delighted, Doña Rosing takes advantage of the situation.

Love Spell Presents Sweet Sixty is Oyo and Sarah's first team-up. It's Oyo's second TV outing for the Kapamilya network. The first was Love Spell's Big Switch.

"I find her pretty and approachable," Oyo describes Sarah. "She is quiet but makes small talk, too. "

"I consider Oyo a brother," Sarah relates. "I know he was romantically linked to Anne Curtis and Angel Locsin."Thus, a possible romance between the two is far-fetched. As Sarah puts it, "Work tops our (list of) priorities."

Oyo, for his part, says he asked permission from T.A.P.E. and Dad Vic Sotto before appearing on Love Spell. Apparently, his wish was granted.

Speaking of wishes come true, Jake Cuenca, Roxanne's love interest in the show, is seeing his dream of working with long-time crush Sarah come true. But during the shoot, the half-Spanish, half-Pinoy Jake seems to have had a change of heart.

He has been seen dating Roxanne.

"We do go out," admits Jake. "She is nice. We're friends. I enjoy her company. We're doing just fine."

Like Sarah, Jake would rather open his heart slowly — but surely.

Kristine barat at makunat

MAKUNAT pala itong si Kristine Hermosa. Isang kaibigan ang nagbalita
sa amin na nagpahanap daw ng buyer ng kanyang laptop itong aktres. Eh, di naghanap daw ang kaibigan niyang ito, hindi mahirap ang maghanap ha,pero okay lang daw sa kanya dahil may OPM namang datung ang aktres oras na makahanap ng buyer.

Heto na, nakakuha ng buyer, nagkatawaran at nagkasundo na
magbabayaran sa isang coffee haus sa Makati.

Hindi sumipot ang aktres, napanghal sa kahihintay ang buyer at ang
aking kaibigan . Ang ending may nakita palang buyer itong aktres na mas mahal kaysa sa nakuha ng aking kaibigan.

Nainis ang kaibigan ko, dahil hindi man siya sinabihan na hindi na
matutuloy ang bilihan dahil may nakuha na siyang iba. Napahiya raw siya sa buyer niya nawala pa ang ipinangakong komisyon ng aktres sa kanya.

By: Melba Roa


Sarah, desidido sa edukasyon!

NGAYON ang graduation ni Sarah Geronimo sa high school na gaganapin sa Sto. Domingo Church.

Home study si Sarah, dahil busy nga siya sa showbiz.

Siyempre, happy ang family ni Sarah, at si Sarah rin mismo, dahil
kahit super busy siya sa work, na madalas na nasa abroad at nagku-concert, natapos pa rin niya ang high school, kahit medyo late na.

Noon pa naman kasi, ipinangako na sa sarili ni Sarah na tatapusin niya
ang pag-aaral niya.

At nagbunga naman ang kanyang sakripisyo.

"Yun po ang promise ko sa sarili ko na hindi ko pababayaan ang studies ko. Iba pa rin kasi `yung knowledge na matututuhan mo sa eskuwelahan, hindi puwedeng i-compare," sabi ni Sarah.

Sa totoo lang, sinasabi ko talaga sa mga artista na kung kaya nilang
mag-aral, mag-aral sila. Pero kung hirap na hirap sila na pagsabayin ang studies at showbiz, mamili lang sila kung ano ang dapat nilang unahin.

Eh, kesa naman mangarag sila nang husto at baka wala pang mangyari kung pagsabayin nila, `di ba?

Pero, since nagawa ni Sarah na pagsabayin ang studies at showbiz, aba, okey na okey `yon.

Tingnan na lang natin kung magagawa pa rin `yon ni Sarah sa college. Siyempre, iba ang high school sa college, `di ba? Pero, magandang achievements na rin `yung nagawa ni Sarah.

Aba, kahit super-busy siya noon sa Bituing Walang Ningning, naghu-host siya sa ASAP `07, naghu-host din ng Little Big Star, at ngayon ay may Love Spell (Sweet Sixty) pa siya with Oyo Sotto, nakatapos pa rin siya.

Siyanga pala, sabi ni Salve, magkakaroon pa ng repeat ang The Other Side of Sarah US Tour.

"Pag seryoso ka po sa ginagawa mo, maa-achieve mo ang kahit ano. Masarap ang feeling na
ga-graduate ako. Promise ko rin po na magtatapos ako ng college," say na lang ni Sarah.

"Hindi ako bastos!" -- Yeng

MARIING itinanggi ni Yeng Constantino na nagmaldita siya sa ilang Pinoy fans sa Amerika.

Sabi sa tsismis, dalawa raw sila ng PDA scholar na si Panky Trinidad na nagpakita ng pangit na asal sa ibang bansa.

"Wala akong matandaan na nagtaray o nagsungit ako sa mga fans sa US.

"Iniisip ko nga kung kelan ako nagsungit sa States? Eh, wala naman akong matandaan na nagpakita ako ng pangit na ugali, o nambastos ako! Hindi ako bastos!" sabi ni Yeng.

"Alam ko ang trabahong pinasok ko at alam ko rin ang hirap ng mga kababayanan natin doon na bumili sila ng tickets at bumiyahe pa sila ng malayo para lang makita kami ng personal.

Atsaka, bakit naman ako magsusungit? Wala akong karapatan na maging ganun, `di ba?"

Kahit nga raw pagod na si Yeng sa mga naging shows at biyahe nila sa US, parati pa rin siyang nakangiti lalo na kapag may gustong humingi ng autograph niya o magpa-picture na kasama siya.

"Malaki ang utang na loob ko sa mga fans. Kasi sila ang nagpanalo sa akin sa PDA. Kung hindi dahil sa text votes nila sa akin, walang Yeng Constantino na mananalo. Kaya hinding-hindi ako magbabago dahil ako pa rin ang Yeng na minahal nila."

May hinala na raw ang Dream Big Productions kung sino ang naninira kay Yeng pati na sa ibang hawak nila na galing sa PDA. Kapag nakasigurado na sila, doon na nila ito kakausapin para alamin kung bakit ito nagkakalat ng mga paninira sa PDA.

Anyway, ipinagtanggol din ni Ronnie Liang ang mga kasamahan niya.umumpa nga si Ronnie na never nagtaray sina Yeng at Panky sa mga fans sa States.

Nagulat din daw siya sa balitang iyon dahil parati raw silang magkakasama sa mga lakad nila sa US.

"Wala namang gano'ng nangyari. Kung nagtaray sila, dapat alam naming lahat. Mapagsasabihan
namin sila. Pero wala namang gano'n, eh. Kawawa naman sina Yeng at Panky. Wala silang kaaalam-alam na naiintriga na sila rito habang nandoon kami sa US."

Anyway, busy si Ronnie ngayon sa mall tour para sa debut album niyang Ang Aking Awitin.

Kim Chui/Gerald Anderson - Movie Shooting Na

This week na ang simula ng shooting ng directorial film debut ni Direk Lino Cayetano under Star Cinema na pagbibidahan ng loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Nang makatsika namin si Direk Lino sa presscon kamakailan ng senatoriable brother niyang si Alan Cayetano ay nabanggit niyang wala pang titulo ang teen romance flick na sinulat ni Mel Mendoza-del Rosario.

Ani Direk Lino, two weeks ago ay nag-bonding na sila nina Kim at Gerald at very excited na siya sa kanyang first movie na dream come true para sa kanya.

Very dedicated daw sina Kim-Gerald sa gagawin nilang pelikula kung saan ibang level na ang ipakikita ng dalawang bagets.

Nabanggit din sa amin ng guwaping na rumored boyfriend ni KC Concepcion na may dinirek siyang isang TV show sa Singapore. May cute na kuwento si Direk Lino tungkol dito.

Tuwing punta raw niya ng Singapore, kapag dumaraan siya sa immigration ng airport ay pinatatabi siya sa isang gilid at todo-kapkap sa kanya ang airport authorities.

Malamang daw, ang akala ng mga ito ay isa siyang `bum' o tambay na walang trabaho dahil palaging kaswal lang ang suot niya at mahaba pa ang kanyang buhok.

Natawa rin siya sa mga nakatrabaho niya roon dahil asiwang-asiwa pala ang mga ito sa suot niyang torn jeans (pantalon na may mga butas na sadyang tinastas).

Sa isang buwan at kalahating pagtatrabaho niya roon ay halos ganu'n daw ang suot niya araw-araw, hindi niya alam ay pinagtitinginan pala siya dahil sa torn jeans niya.

Nabanggit lang ito sa kanya ng isa sa mga host ng show nu'ng maghihiwa-hiwalay na sila.
Katwiran ng Singaporean host, hindi pa raw kasi sila close kaya hindi nito masabi kay Direk Lino na hindi uso roon ang ganu'ng klaseng pantalon kaya usap-usapan ng lahat ang torn jeans niya. Ha! Ha! Ha! Splash Zone ang pamagat ng kiddie show na dinirek niya roon na kasalukuyang ipinalalabas
(tuwing Linggo) sa Kids Central TV network ng Singapore.

Ang Nickelodeon channel dito sa `Pinas ang nagsabi kay Direk Lino na magpadala siya ng demo
tapes doon dahil naghahanap ng Filipino TV director ang Singapore.

Sobrang bumilib sa kanya ang mga tagaroon nang mapanood ang trabaho niya sa StarStruck Kids
(ng GMA) at Little Big Star (ng ABS-CBN) kaya agad siyang ipinatawag.

Tsika ni direk, mayaman ang Singapore pero hindi sila marunong gumawa ng malalaking TV productions kaya manghang-mangha sila sa local shows natin tulad ng ASAP at ating mga teleserye.

Naturingang doon ang regional base ng National Geographic at MTV Asia pero sanay lang daw sila sa small productions na one-cam ang ginagamit kaya bilib na bilib sila sa husay ng mga Pinoy.

Kung ikukumpara ay mas malaki pa rin daw ang TF ni Direk Lino rito sa atin pero tinanggap niya ang nasabing trabaho sa Singapore for the experience.

Tatlo lang silang Pinoy sa dinirek niyang show roon (siya, isang writer at isang host na radio DJ dito sa `Pinas) at lahat na ay pawang Singaporeans.

Sarah, graduate na

SA kabila ng pagiging abala ng Pop Princess na si Sarah Geronimo, hindi talaga niya kinalimutan ang pag-aaral sa high school.

Hindi niya isinantabi ang eskuwela para sa showbiz career.

Nagbunga naman ang kanyang pagsasakripisyo, dahil ngayong Lunes, ga-graduate na siya ng high school sa Angelicum College.

Home study program ang kinuha ni Sarah, na nagagawang magbasa ng libro at home work during
taping breaks.

"'Yan po ang promise ko sa sarili ko, hindi ko pababayaan ang studies ko. Iba pa rin kasi

'yung matutuhan mo sa eskuwelahan, hindi puwedeng i-compare sa kahit na ano," sabi ni Sarah, na excited na sa gagawing teleserye sa ABS-CBN matapos ang tagumpay ng Bituing Walang Ningning.

Kakaunti lang ang mga artistang gaya ni Sarah na seryoso ang paghahangad na makatapos ng
pag-aaral.

Sino nga namang mag-aakalang makatatapos ng high school si Sarah samantalang highly visible
siya sa mga programa ng ABS-CBN.

Nagawa niya ang Bituing Walang Ningning, nasa ASAP '07 siya at host ng Little Big Star at
cast member ng Love Spell.

Bukod sa TV shows, nagkaroon din ng repeat ang The Other Side of Sarah US Tour due to
insistent demand ng mga Pinoy sa Amerika.

"'Pag seryoso ka naman sa ginagawa mo, maa-achieve mo ang kahit ano. Masarap ang feeling na
ga-graduate na ako. Promise ko rin pong magtatapos ng college," sabi pa ni Sarah.

Kim ayaw pang ma-inlove


Isang taon pa lang sa showbiz si Kim Chiu pero malayo na ang narating nito. Matapos manalo bilang grand winner ng PBB Teen Edition ay isa na ito sa sikat na aktres sa ABS-CBN.

Naging bukambibig na rin ang kanilang tambalan ni Gerald Anderson at mataas ang naging rating ng kanilang Sana Maulit Muli na katatapos lamang. Hindi lang magaling na aktres si Kim kundi paborito ring endorser ngayon.

Ngayong tapos na ang teleserye ng Kimerald ay may movie silang gagawin pero hindi pa nila alam ang pamagat nito.

Sa kabilang banda nagdiwang ng ika-17th birthday ang dalaga sa Cebu sa piling ng pamilya.

Nagkaroon din siya ng tatlong Mall shows bilang launching ng kanyang bagong komersyal.

Wala pang gift sa kanya si Gerald dahil wala pa itong maisip na
regalo. Wish ni Kim na sana'y magkaroon sila ng follow-up na soap opera at maging isang matagumpay na recording artist.

Hindi pa siya handang makipag-kissing scene sa kapareha dahil ayaw pa ng kanyang daddy.

Loveless ang aktres dahil mahirap daw pagsabayin ang career at pag-ibig. "Isa pa ayaw ko ring umibig pa dahil ayaw ko nang maranasan ang una kong pag-ibig dahil niloko ako ng una kong boyfriend. Fourteen lang ako nun kaya galit-bati ang naging relasyon namin hanggang sa magkahiwalay kami," anang young actress.

Oyo at Maja Salvador, may relasyon?

Gusto ring linawin ni Oyo Sotto ang statement ng kanyang mommy na si Dina Bonnevie na tinawag na "that girl" si Angel Locsin.

Ang pagkakaalam ni Oyo, gusto ng Mommy niya si Angel na magkabalikan sila. Wala raw itong galit kay Angel pero hindi raw siya pini-pressure ni Dina na makipagbalikan na ito.

Sa ngayon ay sa trabaho raw muna ang focus niya at ayaw raw muna niyang ma-involve kahit kanino.

Itinanggi ni Oyo ang pagkaka-involve niya kay Maja Salvador dahil magkaibigan lang daw sila.

Naging close lang daw sila sa taping ng Pedro Penduko pero hindi lang naman daw kay Maja siya napalapit kundi pati sa iba pang kasamahan gaya ni Denise Laurel.

Dahil na rin sa tsismis sa kanila ni Kristine Hermosa ay naapektuhan daw ang friendship nila. Nag-usap daw silang huwag na muna silang maglalabas dahil sa natsitsismis sila.

Sa ngayon ay wala daw silang komunikasyon ni Angel dahil pareho silang abala sa trabaho, Pero okay naman daw sila at wala daw problema.


Sunday, April 29

Pda - Yeng Constatino May 3 Maleta

Isang maleta lang ang dala nang pumunta ng US, nang bumalik, 3 na at may bitbit pang isang malaking bag!

Dumating na sa bansa ang Pinoy Dream Academy Top 6 mula sa series of shows nila sa US at expected na ni Yeng Constantino ang mga isyu niyang kumalat sa internet.

"Narinig ko na nga po, e, hindi ko po alam kung saan nagmula ang isyu kasi sa pagkakatanda ko po, e, wala naman akong sinungitan o pinagmalditahan na kababayan natin sa Amerika.

"Halos lahat po ng pictorial at autograph signing namin ay may kopya rin kami kaya doon po malalaman kung nakasimangot kami. Wala po akong matandaan talaga," paliwanag ni Yeng.

Actually, hindi lang naman si Yeng ang sinasabing nagpakita ng hindi magandang ugali, kasama rin si Panky Trinidad na maski naman dito ay nakitaan ng pagka-angas.

"E, alam mo naman si Panky, may ugaling ganun, baka siya `yung nakitaan, nadamay lang si Yeng," katwiran naman ng taga-PDA.

Anyway, isang maleta lang ang dala ni Yeng nung pumunta sila ng Amerika pero nung bumalik ay naging tatlong maleta na plus handcarry na bag pa.

"Grabe po, sobrang dami ng damit, pabango, mga sapatos, accessories po ang ibinigay sa amin, grabe ang saya talaga, may dollars din po," nakangiting kwento ni Yeng.

Kim, malas kay Gerald?

Malas daw si Kim Chiu kay Gerald Anderson? Malas daw, dahil nu`ng
birthday ni Kim kamakailan, ni wala man lang iniregalo si Gerald sa dalaga.

"In fairness, before my birthday tinatanong naman ako ni Gerald kung
anong gift ang gusto ko. Hindi naman importante sa akin `yung material, eh. Actually, sumama na siya sa asalto sa akin ng mga fans nu`ng birthday ko, kaya okey na po `yon," sabi ni Kim.

Sabi namin kay Kim, iba pa rin `yung nagi-effort ang isang lalake na
magregalo sa isang babae. Ang ibig sabihin lang nu`n, may panahon ang
lalake na bigyan ng importansiya ang babae, kapag nagawa niyang bumili
ng regalo.

"Siguro, may gift pa rin siya, baka hindi pa lang niya ibinibigay. Lagi naman kaming magkasama, eh," sagot ni Kim.

Sa tingin ba ni Kim ay magiging malas din siya kapag nakarelasyon na niya si Gerald?

"Sa tingin ko, magiging happy ako sa kanya dahil mahilig siyang magpatawa. Tapos, gentleman pa siya. Maalalahanin pa siya.

"Although medyo moody siya kapag inaantok siya, mabait pa rin po siya. Parati siyang bumibili ng pagkain para sa amin," depensa ni Kim kay Gerald.

Hindi ba niya naisip na baka paiyakin lang siya ni Gerald, lalo na at may reputasyon ito na babaero?

"Selosa ako, kaya baka palagi lang kaming mag-away kapag naging babaero talaga siya. Nakakatakot talaga `yung ganu`n. Pero, ayoko munang isipin `yung mga ganu`n.

"At saka, alam naman natin na lahat ng tao ay puwedeng magbago, `di ba?

"Pero, huwag po muna ngayon. Siguro, kapag 18 na ako, doon na lang ako makikipag-boyfriend. Sa ngayon kasi, mahirap pagsabayin ang career at love life, eh."

Kunsabagay, matapos ang Sana Maulit Muli, sasalang na agad sina Kim at Gerald sa pelikula na ididirek ni Lino Cayetano, at isinulat ni Mel del Rosario. Cute ang kuwento ng pelikula nila, dahil parehong Alex Reyes ang pangalan nila rito.

`Yun nga lang, wala pa ring kissing scene sina Kim at Gerald sa pelikula nila sa Star Cinema. Bawal pa rin daw kay Kim, at base `yon sa bilin ng kanyang amang Intsik.

Samantala, nalungkot si Kim nang malaman niya na nahuli at ikinulong ang tatay ni Sandara Park kamakailan. Nalungkot din si Kim dahil may mga nagsasabi na siya ang dahilan kung bakit nawalan ng career si Sandara.

"Hindi ko po alam `yung nangyari sa kanya. Pero, hindi naman po ako ang dahilan kung bakit siya nawalan ng trabaho. Nandiyan pa rin naman po si Sandara.

"Pero, nakakaawa po siya, dahil `yung problema ng tatay niya, problema na rin niya. Sana po maging maayos ang sitwasyon ni Sandara," sabi na lang ni Kim.

Home Boy - Anne Curtis

ANYWAY, nakatiyempo kami ng isang live episode ng Homeboy ng Kapamilya Network, at hayun at guest si Anne Curtis ?" kasama sina Kian, Luis Alandy, at Paolo Paraiso.

That episode ay devoted for Anne, kung paano siya ligawan ng mga
lalaki at kung papaano siya magde-decide if tatlong guys ang manligaw sa kanya.

Andu'n pa nga mismo ang tatay ni Anne.

Ang nakakaloka, big crush pala nitong si Kian si Anne, mereseng
pine-pair sila ni Gee-Ann ng PBB. Dahil crush, hayun ang Kian at nagpakitang gilas sa panliligaw on the air sa magandang aktres.

Ang dapat na relay na kakain ng hilaw na ampalaya at iinom ng tequilla shot-glass ng pure (and I mean "pure") kalamansi ay sina Kian at Paolo (dahil eliminated agad si Luis). Pero di na nagpakabog pa si Kian at di na niya hinayaang makaporma pa si Paolo.

Nilantakan nito ang hilaw na ampalay at ginawang "popcorn", at
diniretso ang paglagok nang kung ilang shots `yunng pure kalamansi
juice, huh!

Dahil likas na sweet si Kian at magaling magluto, before the show
ended ay binigyan pa nito ng baked potato si Anne na paborito ng young actress. Obviously, si Kian ang pinili ni Anne.

Pero malamang, hanggang sa Homeboy lang ang Kian-Anne since may ibang plano ang Dos at Viva for Anne.

Anne pinopormahan ng napatalsik na PBB housemate

SAYANG at hindi kami naimbitahan sa presscon ng na-evict sa Pinoy Big Brother na si Kian Kazemi recently. Eh, di sana nayakap namin ito o nakamayan nang mahigpit sa swerteng dumapo sa buhay niya ngayong nakalusot siya sa PBB ng ABS-CBN, sampu ng dagsang applicants!

But that's certainly okey, as in we really don't mind.

Ang nakakatuwa, ang dear assistant editor natin dito na si Lykaboo ang nag-chika kay Kian sa nasabing presscon sa namesung namin na isa sa mga "naniwala" sa kanya nu'ng modelo pa lang siya.

Di kami gano'n ka-close ni Kian at umabot lang sa mga final casting ang go-c's namin sa kanya (muntik na siyang makuha sa catalog ng Hang Ten), pero we can say na nasubaybayan namin ang pag-bloom ng pangangatawan nito.

From figure na walang shape, ilang buwang di nagpakita noon si Kian. Aside from nag-aaral that time, kinarir pala nito ang gym, kung kaya't gumanda nang husto ang body ng putah.

Hanggang sa nalaman niyang ang tadhana pala niya'y makakapasok siya sa PBB, at talagang natutuwa kami for him. Sana lang ay matutukan sa acting workshops ng home network nito bago isabak sa talagang aktingan ?" at baka ma-"okray" lang siya ng critics.

Maja’s new love team

Maja Salvador, who is in Pedro Penduko at ang mga Engkanto as invisible kid, is very happy that “Cool-Off,” the episode in Your Song that starred her with Pinoy Dream Academy runner-up JayR Siaboc garnered a 10.6 percent rating beating GMA’s Magic Kamison.

Maja is very thankful to all who watched their episode because she received good feedback, particularly from business unit manager Deo Endrinal, who was also at the press launch of Pedro Penduko last Monday in 9501.

Deo told Maja that there is a follow-up project for her and JayR as her new love team.

In fairness, some of the entertainment press likes JayR’s acting because he was so natural and he even delivered his lines fluently with nary a trace of his Visayan roots.

Wednesday, April 25

Gerald may surprise birthday gift kay Kim

ISANG asalto ang ibinigay ni Gerald Anderson para kay Kim Chiu.

Nothing material ang birthday gift ni Gerald for Kim, but nonetheless me-morable pa rin ito

for the Grand Winner of Pinoy Big Brother Teen Edition. Thursday, April 19 ang kaarawan ni Kim. Wednesday, taping nila ni Gerald ng Aalog-Alog. Nagulat daw si Kim na nang maunang matapos si Gerald, umuwi na lang ito nang maaga na hindi binabati si Kim.

Pag-uwi ni Kim sa bahay nila, nagulat na lang siya na nandoon si Gerald and a group of their fans, ang Kimerald na nandoon pala, preparing a party for her complete with balloons, petals on the floor and cake. Masaya na si Kim doon, simpleng tao lang naman siya. Prior to her birthday, may isa pa siyang nakuhang gift, her first trip abroad.

Noong Holy Week, four days sila ng kanyang ate Lakambini sa Hong Kong.

Gerald was in Hong Kong that time too with his father naman.

Friday, April 13

Roxanne still mum on romance with Jake Cuenca

TV host and actress Roxanne Guinoo remains tight-lipped on the issue that she has a secret romance with commercial model-turned-actor Jake Cuenca.

Showbiz reports said Guinoo is always seen with Cuenca, who is in the supporting cast of the primetime drama series, "Sana Maulit Muli."

People around the two reportedly became aware of the secret relationship after Guinoo's last taping day for the weekly lifestyle show "At Home Ka Dito."

Cuenca was reportedly seen waiting for his ladylove inside his car.

A representative for the actress said Guinoo has declined to confirm the issue.

“As of yesterday (Thursday) I consulted her (Guinoo) [about the issue]. She still doesn’t want to say anything," Anna Yambao, Guinoo’s handler, told abs-cbnNEWS.com.

"'The Buzz" already asked her but she did not answer. I will consult her first if she is willing to say anything,” Yambao added.

Guinoo entered showbiz as a Star Circle Quest (SCQ) finalist. After the show, she joined ABS-CBN's Star Magic, which boasts of an elite circle of homegrown talents.

She co-hosts the Kapamilya network's popular noontime variety show, "Wowowee".

Guinoo made waves after appearing in a sexy billboard advertisement for a brand of whisky on EDSA. She recently posed for a men's magazine. With a report from Reyma Deveza

Saturday, April 7

Rica returns to school

Rica Peralejo will enroll in Creative Writing at the Ateneo University this coming school year. She took the entrance exams and passed.

Reading has always been a passion for Rica. Her favorite reads are those that make her think and materials where she can learn lessons. One time she read a book on alcoholism and the dangers of getting addicted to dangerous substances. She imparted what she learned from the book to friends whom she thought were drug users.

What will happen to her showbiz career now that she is going back to school? She happens to be one of the busiest among her contemporaries.

"This time I’m making my studies my priority. But I will not allow my career to take the backseat also. Siguro by managing my time wisely, I will not encounter any problem attending to both," she says.

Monday, April 2

Dahil sa pagpasok ni Roxanne, isa kina Mariel at Janelle matitigbak sa 'Wowowee'


Si Dinky Doo pala ang tumatayong sidekick ngayon nina Willie Revillame at Lito Camo.

Halos araw-araw daw ay magkakasama ang tatlo exchanging ideas and planning for their future. Boy pala ang tawagan nila at nagsasabihan sila ng kani-kanilang problema. Kung magkakaige nga raw ay baka tumakbo siyang konsehal sa District 1 ng Kalookan City at susuportahan siya nina Willie at Lito.

Kasama rin daw si yang aalis sa May 24, para sa world tour ng Wowowee kasama siyempre ang ba-gong crush ng bayan na si Roxanne Guinoo.

***
DAHIL pasok na sa Wowowee si Roxanne at napapabalitang type na type ito ni Willie, hindi kaya nanganganib mawala ang isa sa mga babaing hosts ng programa?

At sino naman kaya ang mawawala sa na-sabing show? Si Mariel Rodriguez kaya o si Janelle?

Ayon sa aming impormante, sa ngayon ay wala pang mawawala sa nasabing show, pero kung may matigas ang ulo at nagkakaere na talagang hindi na dapat pang tu-magal sa show.

Kunsabagay, kahit matsugi si Mariel ay okey lang dahil meron pa naman siyang PBB. Si Janelle ang tiyak na mamumroblema if ever masibak siya sa Wowowee.
Related Posts with Thumbnails