Saturday, August 28

BI: Young Couples sinugod sa ospital dahil sa vaginismus

MASYADONG ESKANDALOSO AT bastos ang dating ng kumakalat na tsismis ngayon sa magkarelasyong sikat na young actor at young actress. Usap-usapan kasing magkapatong daw sila at nakatakip ng kumot na isinugod sa isang private hospital somewhere in Quezon City.

Ayon sa kuwento, nasa climax daw ng panandaliang ligayang pinagsasaluhan nila ang dalawa sa bahay ng young actress nang bigla na lang diumanong nag-locked ang opening ng private part ng dalaga. Dahilan para maipit daw ang reproductive organ naman ng young actor at hindi na nito mahugot.

Nag-panic daw ang dalawa. Pinilit umanong takpan ng kumot ang magkapatong nilang katawan at saka raw sila humingi ng tulong sa kasambahay ng young actress na madala sa ospital.

Ayon daw sa doktor na siyang nag-attend sa gano’ng kalagayan ng dalawa, vaginal captivus daw ang nangyari. Ito raw ang nagiging resulta minsan kapag ang isang sobrang pagod o stressed na babae ay napilit pa ring makipagtalik. May tendency na manigas at magsara umano ang vaginal opening.

Ayaw naming magbigay ng clue kung sino ang magkarelasyong young actor at young actress na ito. We still have to find out pa kasi kung totoo nga ba ang incident na ito o tsismis lang.

Pero ang mahirap, paano namin tatanungin tungkol dito ang sikat na young actor na napakadisente pa naman ng dating. O kaya ay ang girlfriend niyang kilala ring young actress na kahit madalas mapabalitang tomadora sa gimikan eh, wholesome pa rin ang image.

‘Yon lang!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan
Related Posts with Thumbnails