Saturday, May 5

Rayver Cruz unaware of "silent war" among Cruz cousins

Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang young actor na si Rayver Cruz ay konektado rin pala sa isa sa pinakasikat na showbiz clans sa Pilipinas, ang Cruz family. First cousin ni Rayver sina Sheryl, Donna, Sunshine, at Geneva Cruz.

Open book ang silent war ni Sheryl sa mga pinsan niyang sina Donna, Geneva, at Sunshine. Pero ayon kay Rayver, wala raw siyang alam sa away na namamagitan sa kanyang mga pinsan.

"To be honest, wala akong alam sa problema nila," pauna ni Rayver. "Pero kahit naman sinong tao, ayaw ng away, gusto natin bati-bati lahat. Matagal ko na rin kasi silang di nakakausap. Si Ate Sunshine, hindi ko nakakausap, matagal na, kasi busy siya sa pangangampanya [for husband Cesar Montano]. Si Ate Sheryl naman, di ko pa nakikita."

Mula sa pagiging isang child actor ay napansin si Rayver para sa kanyang husay sa pagsayaw. Pero dahil sa angking kaguwapuhan at galing sa pag-arte, hindi kataka-taka kung bakit ngayo'y unti-unti na rin siyang nakikilala as one of the most promising young actors.

Sa katunayan, naikukumpara na siya sa isa pang Cruz—si John Lloyd Cruz. Ikinakataba naman ng puso ni Rayver ang pagkukumpara sa kanya kay John Lloyd. Pero ayon kay Rayver, malayo pa raw ang dapat niyang tahakin upang mapantayan man lang ang husay sa pag-arte ni John Lloyd.

"Nung sinabi sa akin ‘yan, siyempre ang saya ko," panimula ni Rayver. "Pero ang sabi ko, idol ko talaga si Kuya John Lloyd. Ibang klase talaga umarte yun, astig talaga. Nakakatuwa naman, but I know, marami pa akong dapat gawin para mai-compare man lang ako sa husay niya."

Samantala, very open si Rayver sa panliligaw niya sa ka-loveteam na si Shaina Magdayao. Ayon sa young actor, seryoso siya sa kanyang panliligaw at handang maghintay kung kailan magiging ready si Shaina na pumasok sa isang relasyon.

"Magtu-two months na akong nanliligaw sa kanya. I can say, and I'm very much willing to wait for her. Okay lang sa akin ang maghintay, walang kaso sa akin yun. Nasa kanya na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae. Bukod sa looks niya, napaka-thoughtful, malambing, at mabait ni Shaina," pag-e-enumerate pa niya sa mga katangian ni Shaina.

Sa isang panayam sa ina ni Shaina na si Deanne Magdayao ay umamin ito na gusto niya si Rayver para kay Shaina. Ano ang masasabi ni Rayver dito?

"As I can see, natutuwa naman sa akin sila Mommy Dianne, and masaya ako dun. Basta okay ako sa family niya, okay na ako dun. Nakapunta ako sa party ng pamangkin niya [Shaina], pero sa house nila, hindi pa. At this moment kasi, super tight yung sked namin because of Rounin. Pero pag nakaluwag-luwag ng oras, definitely, popormal ako [ng panliligaw]sa kanila," sabi ni Rayver.

Friday, May 4

Angelica talks about ex-boyfriend Carlo Aquino and present flame Derek Ramsey

CLUELESS si Angelica Panganiban kung sino ‘yung young actor na diumano’y nanggagamit sa kanya.

Pero nabanggit ng isa mga manunulat na kausap ni Angelica sa press conference ng pinakabagong programa at kauna-unahang tele-epiko na mapapanood sa telebisyon na “Rounin” sa primetime bida ng ABS-CBN sa direksyon ni Erik Matti, na baka ang tinutukoy nito ay ang ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.

Liar, Liar?

“Nabasa ko na may bina-blind item nga raw ako na ginagamit ako ng young actor. I don’t think na si Carlo ‘yun. In fairness naman kay Carlo wala namang ganu’n. Hindi naman marunong manggamit ‘yung tao,” pagtatanggol ni Angelica.

Itinanggi naman ni Carlo sa kanyang recent interbyu na siya ang first boyfriend ni Angelica bunsod ng isyu na magaling humalik ang cover girl dahil sa tinuruan siya ng batang aktor.

“Wala! It’s impossible. Wala ‘no. Siya ‘yung first ko. Syempre second year high school ako noon. Siya ‘yung nauna ko’ng boyfriend. Kahit naghiwalay kami
wala ako’ng nagging ibang boyfriend,” pagdidiin ni Angelica.

Sa tingin niya bakit sinabi ‘yun ni Carlo?

“Ewan ko. Siguro gusto niyang sabihin ‘yun. ako rin pwede ko’ng sabihin na nagkaron siya ng ibang girlfriend bukod sa akin.”

So, nagsinungaling si Carlo? “Pwede naman tayong magsinungaling at pwede rinnaman tayo magsabi ng totoo. Choice niya ‘yun. e.” Bakit ‘di natandaan ni Carlo na siya ang firstboyfriend niya?
“Baka nagka-amnesia siya.”

Two for the beach
Saan nag-Holy Week si Angelica? “Sa beach. d’yan lang,” ngiti ni Angelica.
Saan d’yan? “Sa Amanpulo.” Sino’ng kasama mo? “Secret. Huwag na secret na lang. Diyos ko naman kilala ninyo naman.” Si Derek Ramsey? “Sige basta ‘pag tinanong secret, ha. Sulat ninyo secret sabi ni Angelica.” Kelan kayo umalis? “Ikaw naman siguradong-sigurado ka na siya ‘yun.” Nag-enjoy ba kayo doon? “Oo naman. Three days kami doon. Umalis ako nu’ng tuesday.” Sabay ba kayong umalis ni Derek? “Ewan ko Hahaha! “Magisa lang kaya ako sa Amanpulo. Nag-soul searching kasi ako. Nawawala kasi ang soul ko. Isang araw pag uwi ko nawala na lang.” Masaya kayo for sure sa Amanpulo.
“Oo, masaya. Syempre di ba nasa paradise ka.” Doon kayo tiyak nagkakilala ng husto ni Derek.

“Oo, syempre mas nakilala ko siya ng husto. Nag-enjoy talaga kami. Pagkatapos siguro ng lahat ng nangyari sa akin mas gusto ko ‘yung buhay ko kung ano ‘yung ngayo, ngayon. Kung ano ‘yung kahapon, kahapon na ‘yun. Tapos kung ano ‘yung bukas, bukas pa ‘yun. Hindi ko alam ‘di ba? So, ine-enjoy ko lang.”

Ano ang pinaka-memorable na nangyari sa inyo sa Amanpulo? “Marami. Ahh, nu’ng nag-dive, nag-fishing, cruise. Nakita mo ‘yung mga fish, pinakain ko ang mga fish. Maraming fishes, colorful. Nandun si Nemo. Pero hindi ganu’n kalalim. Snorkel lang. Ayun nag-picture-picture sa ilalim ng tubig kasama ang mga fishes. Ang taray! Tapos nakakakita ako ng mga baby sharks.
“Bagay ba kami?,” tanong sa amin ni Angelica.

Sobrang ganda raw ng Amanpulo ayon kay Angelica. Babalik daw siya doon kapag may pera siya. Pero ‘tong last trip nila ‘di siya ang nagbayad sa kanilang trip. Sinagot daw ni Derek ang tour nila.

Down under
May ibang artista ang nagpunta sa Amanpulo at doon kinuwento nila na naghubad sila sa harap ng dagat. Sinubukan din ba niyang gawin ‘yun sa Amanpulo? “Sa Australia ko siya sinubukan.
Sa Amanpulo? “Konti. Syempre ano ‘yun, e, parang sa normal na tao hindi ‘yun exciting para sa kanila. Pero ‘pag celebrity ka, exciting ‘yun kasi ‘yung parang feeling mo free ka.”

Sino’ng kasama mo sa Australia? “Ako lang. Nag-travel ako mag-isa. Pero doon ako tumira kina Sarah Christophers. Kasama ko si Sarah. Naghubad ako doon. Nasa isang resort kami, sa isang island. From the city, magbo-boat ka papunta ka doon sa isang island. Sa Perth, (Australia) ako nagpunta.

“Tapos noon nu’ng gabi na tumingin kami sa stars. Napag-usapan lang tungkol sa skinny-deeping kung na-try na. Kasi ang dami ko’ng na-try doon na first time. Like, magpunta sa gay bar. Nakita ko ‘yung lesbians at saka gays so talagang nagki-kiss sila doon.”

Anong naging reaksyon mo? “Na-culture shock syempre.” May nakita ka bang lalaking nakahubad na nag-show?

“Wala. Wala pa kasi two in the morning pa mag-i-start. Namiss ko ‘yun. E, pagod na rin kami kasi galing nga, syempre nagbabakasyon, ang daming ginawa. Saka gusto ko lang naman makapasok. Hindi ko naman gusting makakita ng notes doon.”

Ano pa ang mga ginawa mo sa Australia? “Magpa-picture sa isang stranger na cute. Na-cute talaga. February pa ito. Mga first week of February. Tapos ‘yun, syempre first time ko nagawang sumakay ng plane na mag-isang nagtravel.

Derek to the point

“Bakasyon lang po. Dapat kasi magsi-Singapore kaming dalawa. Kaming dalawa lang. From the Philippines naubos ‘yung budget niya para doon sa pang-Singapore namin. So, nagkita na lang kami sa Australia. E, sayang naman ‘yung pina-block off ko’ng date na bakasyon ko. So, magisa na lang ako pumunta sa Australia.”

Ano ang mga qualities ni Derek ang nagustuhan mo? “Siguro kasi, hindi ko rin alam, e. Pero hunk naman siya.” Paano mo ire-rate ang kaseksihan ni Derek? “Siya ang pinakaseksing nakilala ko.”
Favorite part ng katawan ni Derek na gusto mo? “Siguro nakikita ko talaga na maganda sa katawan niya ‘yung arms niya at saka abs niya.” Ano naman daw ang gusto sa kanya ni Derek? “Lahat. Hahaha!”

Inihatid ni Derek si Angelica sa condo niya pagdating nila ng Manila. Ipinagluluto pa ba niya si Derek bago umalis sa condo niya?

“Ay, hindi na. Uwian na,” natatawang tapos ni Angelica.

Kim says there's a big chance she could fall for Gerald

"Dito namin malalaman kung marami ba ang manonood sa amin. Dito namin makikita kung gusto ba talaga nila kami ni Gerald," says Kim Chiu about her movie with Gerald Anderson.

With the big success of their first soap opera on ABS-CBN, ang Sana Maulit Muli, hindi katakataka na isang full-length movie ang kasunod na project nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Under the direction of Lino Cayetano, the yet-untitled movie will test kung kaya na talaga ng Kimerald loveteam pumantay sa ibang mga loveteams, na nasubukan na ang bankability at box-office appeal.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kim sa dressing room ng ASAP '07 last April 29, pinagpapasalamat ng young actress ang patuloy na tiwala sa kanila ng ABS-CBN at Star Cinema. Tinanong namin siya kung ano bang pressure ang nararamdaman nila ngayon ni Gerald na sa big screen naman susubukan ang kanilang tambalan.

"Excited kami and siyempre kinakabahan because, after Sana Maulit Muli, sasabak na kami sa pelikula ni Gerald. Siyempre, sa TV, you can watch us, buksan lang niyo ang TV niyo. But now, magbabayad sila [moviegoers] kung gusto nila kaming mapanood. Dito namin malalaman kung marami ba ang manonood sa amin. Dito namin makikita kung gusto ba talaga nila kami ni Gerald," panimulang pahayag ni Kim.

Aminado si Kim na kahit wala pang isang buwan na nawawala sa ere ang Sana Maulit Muli ay nami-miss na niya ang paggawa ng soap opera.

"Nami-miss ko yung everyday taping," aniya. "Nakakatuwa kasi bago lang kami ni Gerald, pero binigyan na kami ng soap. Nung una, sobrang pressure sa amin. Pero later on, nakahinga na kami nang maluwag dahil nagustuhan na siya ng mga tao. Maganda yung soap, mahuhusay ang mga kasama namin. Thanks sa pagtitiwala nila sa amin."

Isa sa moves na ginagawa ng ABS-CBN pag sumikat na ang isang loveteam ay ipareha sila sa ibang mga artista para makilala sila as solo artists. Paano kaya pag nagdesisyon ang ABS-CBN na subukan din ito sa tambalang Kimerald?

"Sila ang bahala sa takbo ng loveteam namin. Okay lang yun sa akin, pero sana huwag muna," sabi ni Kim.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Gerald ay itinanggi nito na may relasyon na sila ni Kim. Pero hindi ipinagkaila ng binata na higit sa kaibigan ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Nang tanungin namin si Kim tungkol sa sinabi ni Gerald, sinabi ng young actress na si Gerald talaga ang pinaka-close sa kanya among her male friends. Inamin din ni Kim na kung sakaling ready na siyang pumasok sa relasyon at kung makapaghihintay si Gerald ay posibleng mahulog din ang loob niya sa binata.

"Magkaibigan kami," sabi ni Kim. "But kung ganoon siya ka-open sa feelings niya, maghintay muna siya. Siya rin ang pinaka-close na guy for me. Sa kanya ko sinasabi na ‘Uy, si ganito, ginaganyan ako.' And nakikinig siya. Yung ate ko kasi, di maka-relate, di niya kilala yung tao na sinasabi ko."

Baby James, kalalabas pa lang ng ospital gagawa na ng komersyal!

Invited ako ni Mother Lily Monteverde sa pa-presscon niya kagabi para kay Congressman Noynoy Aquino na kumakandidatong senador.

Syempre, inisnab ko uli ang imbitasyon ni Mother dahil para puntahan ko ang kanyang imbitasyon, kailangang ibigay niya muna sa akin ang inilalambing ko sa kanya.

Wiz ko na sasabihin ang dahilan o bagay na kinukulit ko kay Mother pero kapag ibinigay niya ‘yon, pupuntahan ko siya kahit walang presscon.

Syempre, baka umiral uli ang pagkataklesa ko kapag nagkaharap kami ni Papa Noynoy. Baka irap-irapan ako ni Mama Cory kapag sinabi ko kay Noynoy na "Congressman, dapat kang mahalal sa senado dahil ikaw ang Hope ng bayan!"

Malay ba natin kung ayaw marinig ng Aquino clan ang salitang Hope? * * *
Sosyal si Baby James Yap dahil wala pa siyang isang buwan na isinisilang sa mundong ibabaw pero, meron na siyang TV commercial na gagawin.

O di ba, si Baby James ang youngest millionaire dahil sure ako na milyones ang kanyang talent fee?

Si Baby James ang isa sa pinakamasuwerteng sanggol sa Pilipinas dahil hindi pa man siya nakakapagsalita, rumaraket na siya.

Hindi ko pwedeng sabihin ang commercial na gagawin ni BJ (Baby James) dahil confidential! Confidential daw pero ikinuwento ko na!! * * *

Thursday, May 3

Marunong nang mag-thank you si Heart!


Totoong napakalaki na ng ipinagbago ni Heart Evangelista. Nagpaimbita ito nung isang araw ng movie press para lamang magpasalamat sa magandang pagtanggap ng TV viewers sa kanyang serye sa ABS CBN na Hiram na Mukha. Dati ay hindi niya ito ginagawa, ni mangitian nga ang press ay hindi niya magawa. Panay pa rin ang denial niya ng mga
isinusulat nila.

"I have made mistakes in the past but God is so good to me," anang aktres na maging ang co-star niya sa serye na si Cherry Pie Picache ay pinuri ang kanyang professionalism ngayon.

Ang malaking pagbabago ni Heart ay bunga ng impluwensya sa kanya ni Echo, (Jericho Rosales, ang bf niya na positibo ang pananaw niya na matatanggap din ng buo ng kanyang pamilya. "Hindi naman siya ang
inaayawan nila. Ako ang problema nila," aniya). Echo has taught her na makisamang mabuti at magpasalamat sa mga dapat niyang pasalamatan, na siya naman niyang ginawa.

Earlier this year ay ginawa niya ang isang Indie film, ang Ay Ayeng na kung saan ay gumanap siya ng isang Igorota, sa direksyon ni Ed Palmos.

She has raised P600,000 para sa mga pasyente na may sakit sa pulmon sa pamamagitan ng paglabas sa mga SM shows sa pamamagitan ng kanyang Heart Can project, Shining Light Foundation at Manila Genesis.

Komited din siya na tulungan ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), isang organisasyon na layong itaas ang antas ng pagtrato ng tao sa mga hayop.

Dumarami ang kanyang commercial endorsements, Smart, Penshoppe, Ink for Less, MKNY at Palmolive na kung saan ay humihikayat siya ng mga kabataang babae, edad 18-25, na may taglay na ganda at talento na sumali sa Shining Circle of 10.

"I'm so thankful for all of these. If before wala akong effort to reach out, I've changed. Before ang daming tira sa akin just because people don't know me. I never ate with my yaya, Inglisera ako, hindi
marunong mag-po at opo, hindi sincere sa aking smile, sa mga sinasabi ko.

"Gimikera rin ako before, I had pictures kissing my ex in the internet. I was young then, wala pang wisdom. Now, I'd like to prove especially to my family that I've matured.

"Echo and I are not living in, but we'll eventually marry.

"I'm grateful, too, to ABS CBN, for the trust that they've given me again. Ako ang lumapit kay Mr. M, and we sorted out things. May tsismis that I'm living the company of Angeli, it's not true. Happy na
ako sa kanya."

Rica's House: Havana Style

Rica Peralejo's two-story home in Filinvest Subdivision, Quezon City, is a charming repository of things that once belonged to another era. "I really wanted it to look like almost everything is mana or given by somebody," says Rica. "I want it to be a house of stories na when somebody points at something, I have a story to tell about that little thing."

The 150-square-meter space that Rica has called home since November of 2006 is relatively large for one person. But there's hardly a time when she's all by her lonesome. She almost always has company over—relatives, friends, and members of Victory Christian Fellowship, or VCF, the church Rica attends.

The first thing you notice when you enter her place is a 14-foot-long dining table dominating what would traditionally be the living room.

"I don't need a living room in my house," Rica volunteers. "In our old house, we have a big living room, but my mom and dad only use it to watch TV. The rest of the time, the whole family goes to the small dining table, and make kuwentuhan there for ever and ever. Inaabot kami ng five or six in the morning, puro chikahan portion. Na-notice ko, it's because the dining table is where the food is, and people always gravitate kung nasaan ang pagkain."

That old house, the Peralejo family's main house, is now Rica's next-door neighbor. Rica's own place is on the adjoining lot, and it's half of a duplex, the other half being occupied by her married kuya, Conrad, and his family. The duplex was once the residence of another brother, Philip, who has since moved to the U.S.

Rica has made a conscious effort to depart from her mother's design of choice: country style.

"When I moved in, the first thing I wanted to do was make it look like mine talaga. Kailangan mukhang ako. Hindi mukhang mommy ko, hindi mukhang ate ko...

"I don't know a thing about interior design. I absolutely don't have the talent to make a house look a certain way. But I knew I did not want my home to have a country-style interior."

And she adds, laughing: "Masuka-suka na kaming lahat magkakapatid dahil all our lives nakikita namin puro country style. Purgang-purga na ako."

Rica refers to the interior design of her house as Havana Style. That's also the title of the coffee-table book that Rica and interior designer Joby Sarmiento happened to see when they were working on Rica's place. The book showcases houses in Havana, Cuba, where old furniture and decorative pieces have been recycled, repainted, or converted into something different.

Inspired by the book's photos, but at the same time acting on gut feel, Rica brought in things she loves—mismatched chairs around the dining table, silk scarves in an assortment of colors and designs used as curtains. The result is a relaxed atmosphere, an abode filled with varied elements that seem incompatible. Yet everything looks pulled together.

The place does not have one single dominant color. It comes in different shades of greens, browns, blues, and reds.

"Gusto ko talaga may kulay. Hindi ako mabubuhay ng, sabihin mo, black and white lang ang buhay? Mahihirapan talaga ako sa ganoon. 'Yong color scheme ko dito, no limits ako, because that's me. I'm not a plain person. I may be simple, but I'm not plain."

The non-plain Rica—currently one of the three lead stars of Palimos ng Pag-ibig, the ABS-CBN drama sineserye in which she co-stars with Kristine Hermosa and Diether Ocampo—has had a career as colorful as her house. She's a former child star turned sex siren turned horror-movie screamer turned sitcom mainstay turned dramatic actress. But her love life is colorless at the moment.

She had a four-year relationship with actor Bernard Palanca, but they broke up in 2004. Bernard went on to marry Meryll Soriano, who is now pregnant with Bernard's baby, but that marriage lasted only four months. Tabloid rumor had it that Bernard began texting Rica even before the official announcement of the split-up with Meryll.

"It's not true," Rica says. "Kami ni Bernard, hindi kami nagkaroon ng still-friends-after-the-relationship kind of thing. Hindi ako galit sa kanya or anything, but ni hindi talaga kami friends."

And that's all she wants to say about the whole thing.

Then there's Piolo Pascual, her co-star on the ABS-CBN drama Pangako sa 'Yo, where Rica played villain to Judy Ann Santos. Rica admits she and Piolo—who also happens to be a VCF member—became close during the making of the teleserye. But they were never really an item.

"Nanligaw siya," she reveals. "And that's past tense. Hindi ko siya sinagot. So never naging kami. But I am not saying na binasted ko siya. No. It was our decision na huwag na lang. 'Cause both of us, we're both very, very blessed that we were on the same level of spirituality noong time na 'yon... 'Buti naman pareho kami ng thinking that time na we're parang better off muna na hindi kami. 'Yon 'yong napagkasunduan namin. Kasi mas fruitful kami pag magkahiwalay kami."

Rica says she does not have a boyfriend right now, and getting one is not on her priority list. What has her excited these days is going to college.

"The desire to learn, and the fire in my heart to learn wherever I am and whatever I do, hindi namatay 'yon. For a while, parang ang feeling ko, going back to school didn't seem attainable na, dahil nga my schedule is crazy.

"Pero I had a little vision. Doon lang nag-start, sa little vision na maybe I can go back to school. Hanggang sa nag-grow nang nag-grow at naging intense. Then I prayed about it and the Lord told me to go.

"I never had formal learning in high school. I never went to a regular high school. So I had to pass the DECS [Department of Education and Culture] acceleration test to get a high-school diploma." That diploma qualified her to take college entrance exams—and she got accepted at the Ateneo de Manila, where she plans to take up creative writing.

Rica feels her passing the test at the Ateneo was a Valentine's gift from God.

"Before I took the entrance exam, it was our one-week fasting in our church. So seven days akong walang solid food sa stomach ko. Pray ako nang pray Imagine, nagre-review ako, pero hindi ako kumakain."

She was informed that the results of the entrance exams would be released on February 14. The day before, her taping for Palimos ng Pag-ibig lasted until the wee hours. When she got home, she went straight to bed to sleep. And when she woke up on Valentine's Day, her cellphone was loaded with text messages. The first one she opened was from her mom. It said, in capital letters: "CONGRATS!"

It was, Rica gushes, "the best Valentine's Day of my life, ever!"

Heart at Kristine, nagbesu-beso!

PATI mga kaibigan nina Kristine Hermosa at Diether Ocampo nalilito sa estado ng kanilang relasyon. Sinasabi ng dalawa na hiwalay na sila at may annulment pang binabanggit, pero nakikita namang magkasamang nagsisimba sa New Life sa Alabang.

Minsan nga, nakakasabay pa nilang magsimba sina Heart Evangelista at Jericho Rosales and in fairness, nagbabatian ang two couples at nakita pang nagbebesu-beso ang dalawang actress.

Kaya lang, after the batian, hindi na sila nag-uusap. Ang importante, bati sina Kristine at Jericho, na dating magkarelasyon, at okay din sina Kristine at Heart, present GF ni Echo.

Kris At James Parin Sa Huli

Mula ng naintriga ang pangalan ni James Yap sa isang receptionist
ni Dra. Vicky Belo ay naging magulo na ang kanilang pagsasama ni
Kris Aquino. Pero pinilit parin ni James na suyuin si Kris para na
rin mabuo ang kanilang pamilya.

Marami ang nabalita at marami ang nakisawsaw sa kwento ng
dalawa, andiyang mga kaibigang concern daw at nag gagaling galingan pero sila mismo ang gustong sumira sa samahan ng kanilang kaibigan pero di sila nagtagumpay ang inakala nating mahinang relasyon ay pinatibay ng pagsubok at ni Baby James.

Sa tulong ng dasal at pag iisa ni James at Kris isa na namang
krisis ang nalampasan nila at ang maganda dito ay muli na namang nasabi ni Kris kay James na mahal na niya ito.

Ano man ang hirap at halos muntik ng ikamatay ng sikat na tv host e nalampasan na nila at ngayon nga ay magkasama na nilang haharapin ang buhay kasama si Josh at baby james at para sa mga
gustong masira ang relasyon ng mag asawa e sorry na lang kayo dahil ngayon ay mas matibay na relasyon ang pinagsasaluhan ni Kris at ni James.

Tuesday, May 1

When will Toni Gonzaga fall in love?

Sa dami ng mga nagguguwapuhang male celebrities na nali-link kay Toni Gonzaga—from Piolo Pascual, Luis Manzano, Sam Milby, Zanjoe Marudo, at ngayon sa young director na si Paolo Soriano—maraming mga kababaihan ang naiinggit at nangangarap na malagay sa posisyon ng sikat na young TV host-actress.

Pero sa kabila nito, balitang halos karamihan sa mga nabanggit na kalalakihan ay binasted ni Toni. Dahil dito, hindi tuloy maiwasang magtanong ang iba kung ano ba talaga ang qualifications ni Toni sa pagpili ng lalaking mamahalin, at tila wala pang pumapasa sa kanyang panlasa.

Eric Fructuoso. Dagdag pa nga sa listahang ito ay ang aktor na si Eric Fructuoso. Sa guesting ni Eric sa "Forbidden Questions" segment ng radio program ni DJ Mo Twister, sinabi nitong naging girlfriend niya si Toni noong pareho pa silang nasa GMA-7. Kung totoong naging girlfriend nga ni Eric, pinagtatakhan ng marami kung bakit ang laging sinasabi noon ni Toni ay hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend kahit kailan.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni last Sunday, April 29, sa dressing room ng ASAP '07. Kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa naging pahayag ni Eric.

"Nanligaw sa akin si Eric nung 15 years old ako, but other than that, wala na," paglilinaw ni Toni. "Siya yung naging pinaka-close na guy sa akin nung time na yun, pero di nagkaroon ng relationship or whatever.

"Pero siguro, kung nung time na yun, itinuloy niya yung panliligaw, baka naging boyfriend ko siya. Naging super-close kami na akala ko magiging boyfriend ko siya, pero hindi naman. Kasi nga, at that time, 15 years old lang ako. Sobrang di pa rin time, wala pa ako sa right age," kuwento niya.

Paolo Soriano. Ngayon naman, balitang may bagong manliligaw si Toni sa katauhan ni Paolo Soriano. Ayon pa sa balita, madalas daw na dumadalaw ang young director sa mga tapings ni Toni at talaga raw pursigido ito sa panliligaw. Ano ba ang totoo rito?

"Di siya nanliligaw at all," pagtanggi ni Toni. "Walang panliligaw na nangyayari. I met him last year, we got to work sa summer station ID ng ABS-CBN. He's a director, son of Jeric Soriano, apo ni Nestor de Villa. He's a very, very good person, strong Christian, mabait na tao.

"Nakakahiya nga kasi di naman showbiz yung tao, he's a director, tapos nada-drag yung name niya na nanliligaw or something. He drops by sometimes sa set, bumibisita siya, madalas nagkakausap, nagkukumustahan. But other than that, wala, e. Walang napag-uusapan na relationship or whatsoever. It's so casual, the flow of conversation is so casual. Parang kung paano kami mag-usap nila Vhong, Archie, ganun lang," paliwanag niya. Sina Vhong Navarro at Archie Alemania ay co-hosts ni Toni sa Wazzup Wazzup.

Sam Milby.
Samantala, marami ang nakapansin sa sweetness na ipinakita ni Sam Milby kay Toni sa nakaraang Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards Night, kung saan sila ang itinanghal bilang Prince & Princess of Philippine Movies. Sa isang panayam kay Sam ay nagbitaw raw ito ng pahayay na hindi pa rin siya sumusuko sa nararamdaman niya para kay Toni. Ano ang masasabi ni Toni tungkol sa pahayag ni Sam?

"Tingnan natin yung sinasabi niyang yun. Let's just wait and see," maikling sagot niya.

"I won't deny that we're not that close anymore, unlike before na talagang nagkakasama kami every day. We did a movie and we promoted ourselves as a loveteam. Now, we're moving to a different path, different career. Me, I'm not doing any teleserye. I'm focusing, concentrating on hosting, so I'm standing on my own. Si Sam naman, he has his own teleserye, mayroon na siyang bagong ka-partner [Anne Curtis]," paliwanag ni Toni.

Luis Manzano. Naging very vocal din si Luis Manzano noon kung gaano siya naging kaseryoso sa panliligaw kay Toni, pero hindi siya nabigyan ng dalaga ng pagkakataon. Usap-usapan na kaya raw hindi makapanligaw sa iba si Luis ay dahil umaasa pa rin ito sa pag-ibig ni Toni. Ano ang masasabi ni Toni dito?

"Graduate na kami ni Luis sa ganyan," sabi niya. "We have this mutual understanding that no matter what happens, I'll always be here for him, he'll always be there for me. I'm really, really fortunate to have Luis as my friend. Ibang klase siya na maging kaibigan, ipaglalaban ka niya.

"Ako, I'm hoping and praying na sana makita na niya yung tao talaga na para sa kanya. Yung deserving talaga sa pagmamahal niya, because he's such a good person," aniya pa.

People are asking kung bakit parang ang hirap yata paibigin ang isang Toni Gonzaga. Hindi raw kaya sarado talaga ang puso niya pagdating sa pag-ibig?

"Actually, hindi ako mapili, hindi ako choosy, hindi ako pihikan. Nagkataon lang na ayokong pumasok sa isang bagay na hindi ko napapanindigan, na alam kong di ko maibibigay yung 100 percent ko," ani Toni.

"Ang hirap na magbu-boyfriend ako for the sake na wala akong boyfriend, at sinasabi nilang kailangan ko nang mag-boyfriend dahil ako na lang ang wala. Gusto ko pag nag-boyfriend ako, kaya kong i-handle yung relationship, kaya kong bigyan ng oras. Unfair sa magiging boyfriend ko na di ko siya maaasikaso, na di ko mapapanindigan," paliwanag ni Toni bilang pangwakas.
Related Posts with Thumbnails