Thursday, May 3

Kris At James Parin Sa Huli

Mula ng naintriga ang pangalan ni James Yap sa isang receptionist
ni Dra. Vicky Belo ay naging magulo na ang kanilang pagsasama ni
Kris Aquino. Pero pinilit parin ni James na suyuin si Kris para na
rin mabuo ang kanilang pamilya.

Marami ang nabalita at marami ang nakisawsaw sa kwento ng
dalawa, andiyang mga kaibigang concern daw at nag gagaling galingan pero sila mismo ang gustong sumira sa samahan ng kanilang kaibigan pero di sila nagtagumpay ang inakala nating mahinang relasyon ay pinatibay ng pagsubok at ni Baby James.

Sa tulong ng dasal at pag iisa ni James at Kris isa na namang
krisis ang nalampasan nila at ang maganda dito ay muli na namang nasabi ni Kris kay James na mahal na niya ito.

Ano man ang hirap at halos muntik ng ikamatay ng sikat na tv host e nalampasan na nila at ngayon nga ay magkasama na nilang haharapin ang buhay kasama si Josh at baby james at para sa mga
gustong masira ang relasyon ng mag asawa e sorry na lang kayo dahil ngayon ay mas matibay na relasyon ang pinagsasaluhan ni Kris at ni James.

No comments:

Related Posts with Thumbnails