Thursday, May 3

Marunong nang mag-thank you si Heart!


Totoong napakalaki na ng ipinagbago ni Heart Evangelista. Nagpaimbita ito nung isang araw ng movie press para lamang magpasalamat sa magandang pagtanggap ng TV viewers sa kanyang serye sa ABS CBN na Hiram na Mukha. Dati ay hindi niya ito ginagawa, ni mangitian nga ang press ay hindi niya magawa. Panay pa rin ang denial niya ng mga
isinusulat nila.

"I have made mistakes in the past but God is so good to me," anang aktres na maging ang co-star niya sa serye na si Cherry Pie Picache ay pinuri ang kanyang professionalism ngayon.

Ang malaking pagbabago ni Heart ay bunga ng impluwensya sa kanya ni Echo, (Jericho Rosales, ang bf niya na positibo ang pananaw niya na matatanggap din ng buo ng kanyang pamilya. "Hindi naman siya ang
inaayawan nila. Ako ang problema nila," aniya). Echo has taught her na makisamang mabuti at magpasalamat sa mga dapat niyang pasalamatan, na siya naman niyang ginawa.

Earlier this year ay ginawa niya ang isang Indie film, ang Ay Ayeng na kung saan ay gumanap siya ng isang Igorota, sa direksyon ni Ed Palmos.

She has raised P600,000 para sa mga pasyente na may sakit sa pulmon sa pamamagitan ng paglabas sa mga SM shows sa pamamagitan ng kanyang Heart Can project, Shining Light Foundation at Manila Genesis.

Komited din siya na tulungan ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), isang organisasyon na layong itaas ang antas ng pagtrato ng tao sa mga hayop.

Dumarami ang kanyang commercial endorsements, Smart, Penshoppe, Ink for Less, MKNY at Palmolive na kung saan ay humihikayat siya ng mga kabataang babae, edad 18-25, na may taglay na ganda at talento na sumali sa Shining Circle of 10.

"I'm so thankful for all of these. If before wala akong effort to reach out, I've changed. Before ang daming tira sa akin just because people don't know me. I never ate with my yaya, Inglisera ako, hindi
marunong mag-po at opo, hindi sincere sa aking smile, sa mga sinasabi ko.

"Gimikera rin ako before, I had pictures kissing my ex in the internet. I was young then, wala pang wisdom. Now, I'd like to prove especially to my family that I've matured.

"Echo and I are not living in, but we'll eventually marry.

"I'm grateful, too, to ABS CBN, for the trust that they've given me again. Ako ang lumapit kay Mr. M, and we sorted out things. May tsismis that I'm living the company of Angeli, it's not true. Happy na
ako sa kanya."

No comments:

Related Posts with Thumbnails