Friday, May 4

Baby James, kalalabas pa lang ng ospital gagawa na ng komersyal!

Invited ako ni Mother Lily Monteverde sa pa-presscon niya kagabi para kay Congressman Noynoy Aquino na kumakandidatong senador.

Syempre, inisnab ko uli ang imbitasyon ni Mother dahil para puntahan ko ang kanyang imbitasyon, kailangang ibigay niya muna sa akin ang inilalambing ko sa kanya.

Wiz ko na sasabihin ang dahilan o bagay na kinukulit ko kay Mother pero kapag ibinigay niya ‘yon, pupuntahan ko siya kahit walang presscon.

Syempre, baka umiral uli ang pagkataklesa ko kapag nagkaharap kami ni Papa Noynoy. Baka irap-irapan ako ni Mama Cory kapag sinabi ko kay Noynoy na "Congressman, dapat kang mahalal sa senado dahil ikaw ang Hope ng bayan!"

Malay ba natin kung ayaw marinig ng Aquino clan ang salitang Hope? * * *
Sosyal si Baby James Yap dahil wala pa siyang isang buwan na isinisilang sa mundong ibabaw pero, meron na siyang TV commercial na gagawin.

O di ba, si Baby James ang youngest millionaire dahil sure ako na milyones ang kanyang talent fee?

Si Baby James ang isa sa pinakamasuwerteng sanggol sa Pilipinas dahil hindi pa man siya nakakapagsalita, rumaraket na siya.

Hindi ko pwedeng sabihin ang commercial na gagawin ni BJ (Baby James) dahil confidential! Confidential daw pero ikinuwento ko na!! * * *

No comments:

Related Posts with Thumbnails