Friday, May 4

Angelica talks about ex-boyfriend Carlo Aquino and present flame Derek Ramsey

CLUELESS si Angelica Panganiban kung sino ‘yung young actor na diumano’y nanggagamit sa kanya.

Pero nabanggit ng isa mga manunulat na kausap ni Angelica sa press conference ng pinakabagong programa at kauna-unahang tele-epiko na mapapanood sa telebisyon na “Rounin” sa primetime bida ng ABS-CBN sa direksyon ni Erik Matti, na baka ang tinutukoy nito ay ang ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.

Liar, Liar?

“Nabasa ko na may bina-blind item nga raw ako na ginagamit ako ng young actor. I don’t think na si Carlo ‘yun. In fairness naman kay Carlo wala namang ganu’n. Hindi naman marunong manggamit ‘yung tao,” pagtatanggol ni Angelica.

Itinanggi naman ni Carlo sa kanyang recent interbyu na siya ang first boyfriend ni Angelica bunsod ng isyu na magaling humalik ang cover girl dahil sa tinuruan siya ng batang aktor.

“Wala! It’s impossible. Wala ‘no. Siya ‘yung first ko. Syempre second year high school ako noon. Siya ‘yung nauna ko’ng boyfriend. Kahit naghiwalay kami
wala ako’ng nagging ibang boyfriend,” pagdidiin ni Angelica.

Sa tingin niya bakit sinabi ‘yun ni Carlo?

“Ewan ko. Siguro gusto niyang sabihin ‘yun. ako rin pwede ko’ng sabihin na nagkaron siya ng ibang girlfriend bukod sa akin.”

So, nagsinungaling si Carlo? “Pwede naman tayong magsinungaling at pwede rinnaman tayo magsabi ng totoo. Choice niya ‘yun. e.” Bakit ‘di natandaan ni Carlo na siya ang firstboyfriend niya?
“Baka nagka-amnesia siya.”

Two for the beach
Saan nag-Holy Week si Angelica? “Sa beach. d’yan lang,” ngiti ni Angelica.
Saan d’yan? “Sa Amanpulo.” Sino’ng kasama mo? “Secret. Huwag na secret na lang. Diyos ko naman kilala ninyo naman.” Si Derek Ramsey? “Sige basta ‘pag tinanong secret, ha. Sulat ninyo secret sabi ni Angelica.” Kelan kayo umalis? “Ikaw naman siguradong-sigurado ka na siya ‘yun.” Nag-enjoy ba kayo doon? “Oo naman. Three days kami doon. Umalis ako nu’ng tuesday.” Sabay ba kayong umalis ni Derek? “Ewan ko Hahaha! “Magisa lang kaya ako sa Amanpulo. Nag-soul searching kasi ako. Nawawala kasi ang soul ko. Isang araw pag uwi ko nawala na lang.” Masaya kayo for sure sa Amanpulo.
“Oo, masaya. Syempre di ba nasa paradise ka.” Doon kayo tiyak nagkakilala ng husto ni Derek.

“Oo, syempre mas nakilala ko siya ng husto. Nag-enjoy talaga kami. Pagkatapos siguro ng lahat ng nangyari sa akin mas gusto ko ‘yung buhay ko kung ano ‘yung ngayo, ngayon. Kung ano ‘yung kahapon, kahapon na ‘yun. Tapos kung ano ‘yung bukas, bukas pa ‘yun. Hindi ko alam ‘di ba? So, ine-enjoy ko lang.”

Ano ang pinaka-memorable na nangyari sa inyo sa Amanpulo? “Marami. Ahh, nu’ng nag-dive, nag-fishing, cruise. Nakita mo ‘yung mga fish, pinakain ko ang mga fish. Maraming fishes, colorful. Nandun si Nemo. Pero hindi ganu’n kalalim. Snorkel lang. Ayun nag-picture-picture sa ilalim ng tubig kasama ang mga fishes. Ang taray! Tapos nakakakita ako ng mga baby sharks.
“Bagay ba kami?,” tanong sa amin ni Angelica.

Sobrang ganda raw ng Amanpulo ayon kay Angelica. Babalik daw siya doon kapag may pera siya. Pero ‘tong last trip nila ‘di siya ang nagbayad sa kanilang trip. Sinagot daw ni Derek ang tour nila.

Down under
May ibang artista ang nagpunta sa Amanpulo at doon kinuwento nila na naghubad sila sa harap ng dagat. Sinubukan din ba niyang gawin ‘yun sa Amanpulo? “Sa Australia ko siya sinubukan.
Sa Amanpulo? “Konti. Syempre ano ‘yun, e, parang sa normal na tao hindi ‘yun exciting para sa kanila. Pero ‘pag celebrity ka, exciting ‘yun kasi ‘yung parang feeling mo free ka.”

Sino’ng kasama mo sa Australia? “Ako lang. Nag-travel ako mag-isa. Pero doon ako tumira kina Sarah Christophers. Kasama ko si Sarah. Naghubad ako doon. Nasa isang resort kami, sa isang island. From the city, magbo-boat ka papunta ka doon sa isang island. Sa Perth, (Australia) ako nagpunta.

“Tapos noon nu’ng gabi na tumingin kami sa stars. Napag-usapan lang tungkol sa skinny-deeping kung na-try na. Kasi ang dami ko’ng na-try doon na first time. Like, magpunta sa gay bar. Nakita ko ‘yung lesbians at saka gays so talagang nagki-kiss sila doon.”

Anong naging reaksyon mo? “Na-culture shock syempre.” May nakita ka bang lalaking nakahubad na nag-show?

“Wala. Wala pa kasi two in the morning pa mag-i-start. Namiss ko ‘yun. E, pagod na rin kami kasi galing nga, syempre nagbabakasyon, ang daming ginawa. Saka gusto ko lang naman makapasok. Hindi ko naman gusting makakita ng notes doon.”

Ano pa ang mga ginawa mo sa Australia? “Magpa-picture sa isang stranger na cute. Na-cute talaga. February pa ito. Mga first week of February. Tapos ‘yun, syempre first time ko nagawang sumakay ng plane na mag-isang nagtravel.

Derek to the point

“Bakasyon lang po. Dapat kasi magsi-Singapore kaming dalawa. Kaming dalawa lang. From the Philippines naubos ‘yung budget niya para doon sa pang-Singapore namin. So, nagkita na lang kami sa Australia. E, sayang naman ‘yung pina-block off ko’ng date na bakasyon ko. So, magisa na lang ako pumunta sa Australia.”

Ano ang mga qualities ni Derek ang nagustuhan mo? “Siguro kasi, hindi ko rin alam, e. Pero hunk naman siya.” Paano mo ire-rate ang kaseksihan ni Derek? “Siya ang pinakaseksing nakilala ko.”
Favorite part ng katawan ni Derek na gusto mo? “Siguro nakikita ko talaga na maganda sa katawan niya ‘yung arms niya at saka abs niya.” Ano naman daw ang gusto sa kanya ni Derek? “Lahat. Hahaha!”

Inihatid ni Derek si Angelica sa condo niya pagdating nila ng Manila. Ipinagluluto pa ba niya si Derek bago umalis sa condo niya?

“Ay, hindi na. Uwian na,” natatawang tapos ni Angelica.

No comments:

Related Posts with Thumbnails