SA kabila ng pagiging abala ng Pop Princess na si Sarah Geronimo, hindi talaga niya kinalimutan ang pag-aaral sa high school.
Hindi niya isinantabi ang eskuwela para sa showbiz career.
Nagbunga naman ang kanyang pagsasakripisyo, dahil ngayong Lunes, ga-graduate na siya ng high school sa Angelicum College.
Home study program ang kinuha ni Sarah, na nagagawang magbasa ng libro at home work during
taping breaks.
"'Yan po ang promise ko sa sarili ko, hindi ko pababayaan ang studies ko. Iba pa rin kasi
'yung matutuhan mo sa eskuwelahan, hindi puwedeng i-compare sa kahit na ano," sabi ni Sarah, na excited na sa gagawing teleserye sa ABS-CBN matapos ang tagumpay ng Bituing Walang Ningning.
Kakaunti lang ang mga artistang gaya ni Sarah na seryoso ang paghahangad na makatapos ng
pag-aaral.
Sino nga namang mag-aakalang makatatapos ng high school si Sarah samantalang highly visible
siya sa mga programa ng ABS-CBN.
Nagawa niya ang Bituing Walang Ningning, nasa ASAP '07 siya at host ng Little Big Star at
cast member ng Love Spell.
Bukod sa TV shows, nagkaroon din ng repeat ang The Other Side of Sarah US Tour due to
insistent demand ng mga Pinoy sa Amerika.
"'Pag seryoso ka naman sa ginagawa mo, maa-achieve mo ang kahit ano. Masarap ang feeling na
ga-graduate na ako. Promise ko rin pong magtatapos ng college," sabi pa ni Sarah.
No comments:
Post a Comment