NGAYON ang graduation ni Sarah Geronimo sa high school na gaganapin sa Sto. Domingo Church.
Home study si Sarah, dahil busy nga siya sa showbiz.
Siyempre, happy ang family ni Sarah, at si Sarah rin mismo, dahil
kahit super busy siya sa work, na madalas na nasa abroad at nagku-concert, natapos pa rin niya ang high school, kahit medyo late na.
Noon pa naman kasi, ipinangako na sa sarili ni Sarah na tatapusin niya
ang pag-aaral niya.
At nagbunga naman ang kanyang sakripisyo.
"Yun po ang promise ko sa sarili ko na hindi ko pababayaan ang studies ko. Iba pa rin kasi `yung knowledge na matututuhan mo sa eskuwelahan, hindi puwedeng i-compare," sabi ni Sarah.
Sa totoo lang, sinasabi ko talaga sa mga artista na kung kaya nilang
mag-aral, mag-aral sila. Pero kung hirap na hirap sila na pagsabayin ang studies at showbiz, mamili lang sila kung ano ang dapat nilang unahin.
Eh, kesa naman mangarag sila nang husto at baka wala pang mangyari kung pagsabayin nila, `di ba?
Pero, since nagawa ni Sarah na pagsabayin ang studies at showbiz, aba, okey na okey `yon.
Tingnan na lang natin kung magagawa pa rin `yon ni Sarah sa college. Siyempre, iba ang high school sa college, `di ba? Pero, magandang achievements na rin `yung nagawa ni Sarah.
Aba, kahit super-busy siya noon sa Bituing Walang Ningning, naghu-host siya sa ASAP `07, naghu-host din ng Little Big Star, at ngayon ay may Love Spell (Sweet Sixty) pa siya with Oyo Sotto, nakatapos pa rin siya.
Siyanga pala, sabi ni Salve, magkakaroon pa ng repeat ang The Other Side of Sarah US Tour.
"Pag seryoso ka po sa ginagawa mo, maa-achieve mo ang kahit ano. Masarap ang feeling na
ga-graduate ako. Promise ko rin po na magtatapos ako ng college," say na lang ni Sarah.
No comments:
Post a Comment