Wednesday, September 15

BI: Kapamilya actress, nabuntis ng non-showbiz bf

BUNTIS ang isang not so young actress mula sa Kapamilya Network.

Hindi inililihim ng not so young actress ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Alam na ng kanyang pamilya ang tungkol doon at tanggap na ng mga ito ang kalagayan ng not so young actress dahil tinapos niya ang kanyang pag-aaral and with honors pa nang grumadweyt siya.

Ipinaalam na rin ng not so young actress sa kanyang handler ang tungkol sa maselang kalagayan niya at ipinaalam na rin ‘yon sa namamahala ng kanyang career.
Hindi magkakaproblema sa teleseryeng ginagawa ngayon ng not so young actress dahil ngayong linggong ito na ang last taping day nila para roon.

Ang maganda pa, mahal na mahal ng kanyang non-showbiz boyfriend si not so young actress at excited ang lalaki sa pagbubuntis ng girlfriend.

Abangan na lang na mismong ang not so young actress ang mag-announce ng tungkol sa kanyang pagbubuntis.

CLUE: Dating Kapuso ang not so young actress na ito.

Jun Lalin

No comments:

Related Posts with Thumbnails