Saturday, September 25

Robin-Mariel movie, kasado na!

Robin Padilla, Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, ABS-CBN, kapamilya stars, Star Cinema,

PAGKATAPOS ma-shelve ng Robin Padilla-Toni Gonzaga movie, isang bagong pelikula ang ibinigay ng Star Cinema kay Binoe kung saan ay makakasama niya sina Mariel Rodriguez at Pokwang.

Kaya sa pelikula na magsasama sina Mariel at Robin at baka hindi na raw muna matuloy ang sitcom na unang plano ng ABS-CBN para sa kanila.

Si Direk Cathy Garcia-Molina pa rin ang magdidirek ng pelikula na siya rin sanang direktor ng Robin-Toni movie na na-cancell. Kaya happy pa rin naman si Binoe dahil finally ay natuloy pa rin silang magkatrabaho ng box-office director.

No comments:

Related Posts with Thumbnails