Tuesday, September 28

Robin, madalas paliguan ng halik ang mga paa ni Mariel

robin mariel, Robin Padilla, Mariel Rodriguez, ABS-CBN, tfc, Kapamilya Network, mariel robin wedding, kapamilya stars,

Tanggap na tanggap ni Mommy Eva Cariño-Padilla ang bago niyang manugang na si Mariel Rodriguez para sa anak na si Robin Padilla. Kahit hindi pa masyadong nakakausap ng masinsinan ni Mommy Eva si Mariel ay welcome ito sa kanyang pamilya.


Sa interview namin kay Mommy Eva, kinuwento nito na nu’ng unang beses pa lang na sinabi ni Robin na intresado ito kay Mariel, nakita raw niya ang anak na tinamaan talaga kay Mariel.


Sinabi pa raw sa kanya ni Robin na sa loob ng tatlong araw ay liligawan na niya si Mariel at hindi niya ito tatanta nan hanggang ‘di niya ito napapasagot. Nagulat si Mommy Eva sa plano ng anak nu’ng mga oras na `yon dahil tatlong araw pa lang daw na naghu-host si Robin ng Wowowee.


Pero, hindi raw talaga natahimik si Robin sa ganda ni Mariel at ang lagi raw nitong binabanggit ay ang mga mata ng dalaga.


Nagulat man si Mommy Eva sa pagpapakasal ni Robin sa India, hindi raw sumama ang loob niya sa anak dahil kilala niya ito kapag nai-in love, todo. Naintindihan daw niya ang paliwanag ni Robin.


Walang masyadong alam si Mommy sa nabalitang Ibaloi wedding nina Robin at Mariel. Sa pagkakaalam niya, parang ipina kilala lang daw ng kanyang anak si Mariel sa kanilang angkan doon. Maaring binasbasan daw ang relasyon ng dalawa sa ritwal ng Ibaloi.


Pagtatanggol pa ni Mommy Eva, sinabi sa kanya ni Robin na alam nito ang batas ng mga Muslim kaya alam niyang wala siyang nilalabag na batas. Ang ipinagbabawal lang daw sa Muslim ay ang pagkain ng karne ng baboy.


Nu’ng makatsikahan naman namin si Ruffa sa ta ping ng Paparazzi, sinabi niya na nu’ng Muslim pa siya ay nilalagyan daw sila ng dugo ng baka at baboy kapag may mga sinasakripisyo sila.


Pero hindi na raw ito ginagawa ni Ruffa dahil bumalik na siya sa pagi ging Kristiyano.


Anyway, sinigurado ni Mommy Eva na tinamaan nang husto kay Mariel ang anak dahil ngayon lang daw uli ito naging pursigido sa pag-ibig. At kung makakausap daw ni Mommy Eva si Mariel ng personal, sasabihin nitong ibigay ang lahat ng pang-unawa kay Robin dahil sa mundong ginagalawan nito.


Inamin ni M ommy Eva na seloso ang anak kaya kailangan daw ni Mariel na lagi silang mag-uusap ni Ro­bin. Dagdag pa ni Mommy Eva, hindi lang dapat alagaan kundi pagsilbihan din ni Mariel ang kanyang anak dahil para itong bata na gusto ay ina alagaan.


Nu’ng hingian namin si Mommy Eva ng reaksyon tungkol sa nangyaring gulo sa pagitan nila at ng dati niyang manugang na si Leizel Sycangco, sinabi niya na naiintindihan niya si Leizel dahil matagal din daw nagsama bilang mag-asawa ang dating manugang at si Robin.


Pumabor naman si Mommy Eva sa pagpapabalik sa apo niyang si Alih sa poder ni Leizel sa Australia. Natural daw na doon muna ito sa kanyang ina dahil maliit pa ito. Kung sa kanya raw nangyari ‘yon, babawiin din niya ang kanyang anak.


Natawa lang si Mommy Eva sa tanong namin kung ano ang masasabi niya sa P1M na halaga ng engagement ring na ibinigay ni Robin kay Mariel.


“Naku, okey lang ‘yun. Happy si Ro bin at happy rin si Mariel. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanilang dalawa, gawin nila,” sey ni Mommy Eva.


Lalong natawa si Mommy Eva sa tanong namin kung hindi ba siya naiinggit sa P1M na singsing.


“Naku, hindi no! Marami na ring naibigay sa akin si Robin na lagpas pa sa P1M! Ha! Ha! Ha! Ha!


“At saka, iba naman ang pagmamahal ni Robin sa kanyang asawa, iba rin ang pagmamahal niya sa akin bilang ina,” sabi pa nito.


Naikuwento sa amin ni Mommy Eva na sa labis na paglalambing ni Robin sa kanya, sa tuwing pupunta raw ito sa kanyang kuwarto ay hinahalikan nito ang kanyang mga paa.


Sigurado si Mommy Eva na hinahalikan din ng madalas ni Robin ang mga paa ni Mariel sa sobrang pagmamahal nito. Ganun daw kasi rumespeto at magmahal ng babae ang kanyang anak.

by: Rey Pumaloy
source

No comments:

Related Posts with Thumbnails