Tuesday, September 28

Empress' new house was robbed!

Empress Schuck, Rosalka,  Kapamilya Network, kapamilya stars, ABS-CBN, tfc,


Napasok ng magnanakaw ang bagong biling bahay ni Empress Schuck sa isang subdivision sa Fairview last Friday ng madaling araw.

Wala ang young actress at kasalukuyang nagti-taping ng Rosalka nang maganap ang nakawan.

Sa bintana pumasok ang magnanakaw habang tulog na tulog ang parents ni Empress.

Mabuti na lang at limang cellphones lang ang nakuha at base sa imbestigasyon, mukhang bagito ang suspect at nagmamadali.

Bagets ang pinaghihinalaang gumawa base sa bakas ng mga paa nito na nakita sa sahig.

Na-shock si Empress nang malaman niya ang nangyari. Pero sobrang ipinagpapasalamat niya na walang nasaktan sa kanyang pamilya.

Maging ang mommy ni Empress ay thankful na hindi sila ginalaw at mabuti na lang, hindi raw nagising ang asawa niya dahil baka kung ano pa ang nangyari kung sakali.

May takot pa si Empress up to now and more than the material things na nakuha, ang mas ipinag-aalala ng young actress ay ang safety nila ng pamilya.

Kabibili lang ni Empress ng nasabing bahay at kalilipat lang nila.

Masayang-masaya pa naman ang young actress na finally ay nabilhan na niya ng house and lot ang kanyang pamilya mula sa sariling kita.

Dahil nga siguro sa alam na bagong lipat sila kaya tinarget sila. Kaya naman hinigpitan na nila ang seguridad sa bahay.

Anyway, sa Oktubre ay magtatapos na ang Rosalka at sobra ang pasasalamat ng young actress sa lahat ng sumusuporta ng serye.

Dahil dito ay ngkaroon siya ng maraming endorsements na siyang pinambili niya ng bahay.

By the way, simula kahapon ay may bago nang time slot ang Rosalka, mapapanood na ito at 2:30 p.m. on weekdays.

May naka-line-up nang isang bagong serye ang young actress pagkatapos nito, pero hindi pa raw puwedeng sabihin.

Excited na siya dahil malaking soap ito at sa primetime slot mapapanood.

by Vinia Vivar
Source

No comments:

Related Posts with Thumbnails