Tuesday, March 27

Katawan nina Angelica, Roxanne,Michelle, at Anne pinagpistahan sa Subic

SOBRANG init sa Subic, grabe! Pero lalong uminit ang panahon nang maglabasan na sa stage ang mga Cover Girls ng ASAP 07 na binubuo nina Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, Anne Curtis at Michelle Madrigal. Maging ang mga taga-Subic na nasa Subic Bay Boardwalk ay lalo ring pinawisan, especially the male audience.

Sa Subic ginanap ang ASAP nu’ng Sunday at naimbitahan kami ng ABS-CBN to cover the event. Sa programa rin ni-launch ang summer station ID ng ABS-CBN na pinamagatang Araw Natin ‘To.

Ito ang unang lugar na pinuntahan ng ASAP fa-mily para i-celebrate ang summer. Meron pa silang tatlong lugar na pupunta-han. After the Subic escapades ay sa Cavite naman sila susugod next Sunday.

Present sa ASAP 07 ang Kapamilya stars ng programa like Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Sam Milby, Gary Valenciano, Sheryn Regis, Erik Santos, Christian Bautista, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, John Prats, Victor Basa, John Lloyd Cruz at marami pang iba.

Enjoy na enjoy ang mga tao habang sumasayaw ang Cover Boys nina Victor, Zanjoe Marudo, John Lloyd at Jake Cuenca. Panalo rin ang performance ng PDA scholars like Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, RJ at Panky. Guests din sa programa sina Ai-Ai delas Alas, Sitti at Heart Evangelista, na according to her mismo ay last January of 2006 pa huling nag-guest dito.

Approximate, mga 10,000 people ang nagpunta ng Subic Bay Boardwalk para saksihan ang ASAP.

No comments:

Related Posts with Thumbnails